Monday, April 7, 2014

Debut

So may napagtanto ako, hindi na ako mag paparty ng bonggang bongga sa birthday ko. Tama na siguro yung kada group of friends may pakain. Sabi din ni Daddy, bibigyan na lang niya ako ng sasakyan kung hindi ako magpaparty.

Hindi naman sa ayaw kong mag party, sa totoo lang may listahan na din ako ng 18 shits na kailangan sa debut eh, kumpleto na. Kaso narealize ko ayokong maging plastik. Plastik kasi sigurado may mga iimbitahin akong hindi naman masyadong close o kaya naman mga dating kaibigan na mapipilitan lang akong imbitahin kasi baka mag tampo. Sa isang grupo kasi ng magkakaibigan, pag inimbita mo yung isa kailangan pati yung iba kasi kung hindi, magtatampo.

Isang gabi ng kasiyahan, magagarbong kasuotan at mabubulaklak na mga salita. Sasabihin nila kung gano ka kabait, kabuti at kaganda. Sasabihin nilang wag kang magbabago. Sasabihin nilang mahal ka nila. Pfft, bullshit. Naniniwala akong mas kilala ko ang sarili ko at hindi ako kasing bait, kasing buti at kasing ganda gaya ng mga paglalarawan ng iba. Madami akong masasamang gawain pero hindi nila sasabihin yun kasi debut ko eh.

Decision is made. Walang magarbong party, kainan at bonding lang with group of friends. Tapos rak!

Tunay na Tropa

Madami akong kaibigan. Pero hindi ko pa nararanasan yung magkaron ng isang tunay na barkada, hanggang sa nakilala ko ang mga taong to.
Hindi sila perpekto, umiinom sila, may mga nag yoyosi, nagmumura din sila, pero hindi sila masasamang tao. Yung mga lalaki sa tropa, sila yung tipo ng lalaking kahit mga gago e may respeto sa iba lalo na sa babae. Dun ako namamangha sa kanila. Malalakas ang trip ng mga to, pero marunong din namang mag seryoso. Sobrang saya nilang kasama. Yung tipong kahit may problema ka e gagaan parin loob mo pag kasama mo na sila kahit di ka pa nag oopen up sa kanila.

April 5, 2014, "Best night of my young life."
Nag-inom sila pero iced tea at candy crush lang ginawa ko. Sobrang nakakatawa kasi dumating sa point na nalasing na sila. Yung dalawa, babe na ang tawagan, yung isa nakikipag chat na lang kasi masakit na ulo, yung isa, kanta ng kanta kahit wala na sa tono, yung isa mahal na mahal na yung boyfriend, kwento ng kwento na iba talaga boyfriend niya ngayon, yung isa naman andami ng napapansin sa paligid niya. Sobrang laughtrip talaga yung gabing yun. Wala pa nga kaming balak umuwi kaso kailangan na 11 na din ng gabi (kahit 8:30 pa lang pinapauwi na kami).

Hindi na ako makapag hintay sa susunod na tambay kasama sila. Sana this time, kumpleto na tayo!

Sa kanila ko natutunan na hindi mo kailangan ng sobrang daming kaibigan, kahit konti basta totoo at maaasahan, rak na!