Tuesday, April 30, 2013

Pag-ibig Talaga Oh.


Pag-ibig Talaga Oh.
By Georgette Gwyn P. Biliran

Nainlove ka na ba? Kung oo edi naramdaman mo na yung “butterflies” sa tiyan mo? Yun bang pag nakikita mo siya parang nag slow-motion yung mundo with matching hangin effect pa! Yung pag ngumiti siya parang nagsindi ng milyun-milyong kandila, nagpa-ilaw ng daan-daang ilaw na may 1000 watts dahil sa sobrang liwanag. Yun bang pag niyakap ka na niya e nag ta-transform ka bilang isang feather sa sobrang gaan ng feeling (Sige teh, push pa!). Ang sarap mainlove no?

Hindi naman talaga masakit magmahal e. Kasi ang pagmamahal, isang magandang regalo yan galing sa Diyos. Yung rejection, jealousy, immaturity, yan ang masakit. Pero hindi ang pagmamahal. (Courtesy to Sir JJ)

Masarap magmahal lalo na pag mahal ka din ng taong mahal mo. Yun bang matagal mo na siyang pinangarap tapos nung susuko ka na bigla siyang aamin na mahal ka din pala niya. Haay, heaven dre! Tapos naging kayo. Dun na papasok yung pangakong “FOREVER”. Gasgas na yun e. Kaso madami paring nabibiktima niyan! Pano kasi, TOTOO ang forever. It just takes two people who are meant to be to prove it. Naalala ko yung sabi sakin ng sister-in-law ko, “Kahit anong pilit natin kung hindi kalooban ng Diyos, sakit lang ang maidudulot.”

Totoo yun. Naranasan ko yun e. Naranasan kong mag mahal ng kaibigan at minahal niya din ako. Kung tutuusin, ang perfect nga ng love story namin e (Sariling puri lang).  Nag simula kami bilang matalik na magkaibigan. Walang malisya yun, pramis! Kaso nainlove ako. Talo ako, diba? Ganun naman ngayon, unang mainlove, talo. Pero bakit ba, inlove din naman siya ah! Kaso hindi sakin, sa iba. Pero syempre bilang bestfriend nandiyan ako lagi para sa kanya, para iyakan niya, para patawanin siya. Oo, lahat ginawa ka. Lalo na nung panahong sunud-sunod yung problema niya. Tapos nagalit pa girlfriend niya sa kanya at ayaw na siyang makausap.

Ako yung kaibigan na nalalapitan niya. Yun nga, dumating yung isang araw na naging suicidal siya. Ikaw ba naman e, malayo ka na nga sa pamilya mo, dami mo pang problema. Sinabi niya sakin yung mga problema niya. Ako naman si bestfriend todo comfort, syempre. E syempre may pasok ako kinabukasan kaya kailangan kong gumising ng maaga, kaya sabi ko sa kanya tigil na sa pag-inom (kilala ko siya, hindi naman siya talaga mahilig uminom dati e). Ayaw niya parin, napuno ako kaya sinabihan ko siya ng “Sana yung concern na nararamdaman ko ngayon malipat ko sa girlfriend mo para hindi ako nahihirapan! Hindi ako nasasaktan. Kasi alam ko kahit anong sabihin ko hindi din naman ako yung kailangan mo para matigil ka diyan!” Sabay iyak. Oo, umiyak talaga ako nun tapos natulog na ako.

Nung September, sabi ko ayoko na. Masakit na masyado. Mag mumove on na ako kahit hindi naman naging kami. Adik lang e. Sabi ko last na tong September 30. September 30, 2011 came. Gabi na yun mga 10 siguro. Nagtext siya ng “May aaminin ako.” Syempre kinabahan ako diba. Sabi niya “Mahal kita.” Kiliiiiig! Ang galing diba? Saktong-sakto siya sa deadline ko. Pero December 14, 2011 ko pa siya sinagot.

December 14, 2011. Alala niyo ba kung anong meron dun? Meteor shower. Oo, ang ganda nga e. Habang kausap ko siya sa telepono e nakatingala ako sa langit. Kasi alam kong kahit malayo kami sa isa’t isa, e nasa ilalim parin kami ng iisang langit. Aw, andrama!
Ilang ulit kong sinabi kay Lord na alisin na lang siya sa buhay ko kung hindi talaga siya para sakin. Ayun, inalis nga Niya.. kaso binalik din.

LDR kami. Kaya nung unang beses naming nagkita pagtapos maging kami, akala ko magiging awkward. Kaso hindi, ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

Perfect love story, ika nga nila. Kaso wala talagang “Perfect Love Story.”

Lahat ng bagay may katapusan. Natapos ang lahat-lahat nung April 4 2013.
Iyak ako ng iyak. As in mugto talaga yung mga mata ko. April 5, 2013, niligawan niya ako ulit dahil sabi niya “Hindi ko pala talaga kaya ng wala ka. Mahirap e.” Haba ng hair ng lola mo! Sinagot ko siya nung April 7.

Okay naman kami. Masaya. Kaso dumating yung isang hindi inaasahang pangyayari. Isang masaklap na pangyayaring nagpabago ng lahat. Naging mitya ng pagtatapos ng love story na inaasam asam ko. April 25, 2013, natapos ang lahat. Ng dahil sa isang pagkakamali, nawala lahat. Lahat ng pinaghirapan ko. Lahat ng pinaglaban ko ng buong buo. Lahat ng pinangarap ko, nawasak. Nawala siya sakin.

OA, oo pero masisisi mo ba ako kung ganito ang maramdaman at isipin ko? Kung ikaw ang nasa posisyon ko, kung ikaw ang nakaranas ng lahat ng naranasan ko, kung ikaw ang nakadama ng naramdaman ko masasabi mo din sa sarili mo na “Siya na nga talaga.” Pero ang sakit kasi nagtapos ako sa “Akala ko siya na, hindi pa pala.” (Yan din yung isa kong post.)

Ngayon syempre nasasaktan parin ako. Pinaka-mahirap dun e pano ako mag mumove on, e pinlano ko na lahat kasama siya. Kaya pala ang daming ayaw mainlove sa bestfriend nila kasi mahirap nga talaga pag nagbreak kayo. Sinong tatakbuhan mo? Sinong kakausapin mo? Pero wag kayo matakot mainlove sa bestfriend niyo kasi sabi nga ng isang author, “Learn to be a good friend, after all, marriage is about spending the rest of your life with your bestfriend.”

Sa panahon ngayon dapat bitter ako. Dapat galit ako sa kanya, sa pang-iiwan niya sakin kaso hindi ko magawa yun. Kasi lahat ng sakit na nadarama ko e nasasapawan nung simpleng “MAHAL KO SIYA.”

Sana pwede tayong pumili ng taong para sa atin, kung saka-sakali e SIYA parin ang pipiliin ko. Pramis!
Pero sa totoo lang, ang gusto ko e sana may paraan para malaman natin kung sino talagang nakalaan para sa atin no? Yung tipong pagka-panganak satin e merong naka-kabit na sulat galing kay Lord na nagsasabing “Siya ang nakalaan para kay ____. Na nakatira sa _____. Magtatagpo silang dalawa sa lugar na _____, sa araw ng ______.  Pag sila ay _____ na gulang na.” Para alam agad natin kung sino yung Mr./Ms. Right natin, para wala ng paligoy-ligoy pa. Para wala ng uuwing luhaan.

Pero kung nangyari man yan e pano na magkaka-album si Taylor Swift? Pano na sisikat ang The Script? Pano na din si Adele? (Peace sa fans nila. Fan din po ako.)

Kung tutuusin, minsan TAYO din ang may kasalanan kung bakit tayo nasasaktan. Pilit kasi tayo ng pilit.
Ikaw: Lord, siya na po ba?
Lord: Hindi pa, anak. Let go.
Ikaw: E, Lord naman e. Siya na lang, please?
Ikaw: Lord, ang sakit sakit naman. Ano na po bang gagawin ko?
Lord: Let go.
Ikaw: No, Lord. Ipaglalaban ko siya.
Ikaw: Lord, ayoko na po. Bakit ako nasasaktan ng ganito? Bakit niya ako iniwan?!! Bakit Mo hinayaang mangyari to! Bakit di Mo ko sinabihan nung una pa lang?!
Lord: Diba, sabi ko sayo, LET GO. Ikaw kasi, pilit ka ng pilit. Alam mo na ngang bawal, sige ka parin. Ngayon tignan mo. Nasasaktan din Ako, anak.

Oh ayan. Edi wasak ka na naman. Kakapilit mo kasi yan e!
Pero hayaan mo. May band-aid si Lord. Gagamutin niya yang puso mo. Sabi nga sa Psalm 147:3 “He heals the broken-hearted and binds up their wounds.”

Hindi kita masisisi kung magiging bitter ka. Pero tama na teh, ikaw din naman nahihirapan e.
Hindi kita masisisi kung iiyak ka. Alangan namang mag party party ka e iniwan ka nga diba?
Hindi kita masisisi kung isususmpa mo lahat ng lalaki/babae sa mundo. Pero pano yung RIGHT ONE? Hindi mo pa nga siya kilala, hinuhusgahan mo na agad.
Hindi kita masisisi kung ayaw mo ng magmahal ulit.
Kasi yan ang nararadaman ko ngayon. Nakakatakot na. Baka maulit lang yung sakit.
Pero wag ka matakot. Kasi si Lord ang bahala. May taong inilaan ang Panginoon para sayo. Sadyang makulit ka lang at pasaway kaya ka nasaktan.
One of my favourite quotes says, “If you were happy with the wrong one, how much more when the right one comes?”
Tama na, sayang nga naman ang ganda ng mata mo kung patuloy kang iiyak dahil sa maling tao.
Dadating din yung inilaan sayo. Sa tamang oras, tamang panahon, tamang pagkakataon. And this time, you know how to do it better. How to handle things better.
Dadating din yung taong magpapa-realize sayo ng dahilan kung bakit hindi nag work yung mga bagay-bagay sa inyo nung nakaraan.
Dadating din yung magpapa-ranas sayo ng happy ending.
Gaya ng nangyari kay Tom at Summer sa 500 Days Of Summer. Happy ending parin naman diba? Hindi nga lang sila. Ganun naman e, minsan yung “HAPPY EVER AFTER” natin e hindi kasama yung taong inaasam natin.

O di naman kaya e, kayo talaga sa huli. (Oh ayan ah, pinaliligaya ko kayong mga umaasa.)
Kung kayo talaga, kayo talaga. Ano mang mangyari. Gano man katagal kayong di magkita, pagtatagpuin at pagtatagpuin din kayo ulit. Sometimes two people need to grow apart for them to realize how much they need to get back together.
Parang sa One More Chance, ang paborito nating lahat.
Kinailangan muna nila Popoy at Basha na magkahiwalay bago nila makamit yung happy ending.
Sabi nga, “It takes grown-ups to make a relationship work.”

Di bale ng umiiyak at nasasaktan ka ngayon. Hindi ka magiging matapang kung hindi mo pagdadaanan yan.
Wag ka mag-alala, sa fairytales nga diba, walang “And they lived happily ever after” until the last page?
Magkakaroon ka din ng WAGAS na pag-ibig kasama yung TAMANG TAO. Wag mo hingin yung BETTER lang. Kasi madami diyan, hingin mo yung TAMA, kasi nag-iisa lang yun.

Ngumiti ka lang, kapatid. Makakapag move on ka din, tiwala lang with puso!

Balang Araw; Pero Sa Ngayon.



Balang araw, titigil din ako sa paghihintay.
Balang araw alam ko hindi na ako aasa na mag tetext ka.
Balang araw hindi na ako aasang magpaparamdam ka man lang.
Balang araw makakalimutan ko din na pinangako mong WALANG IWANAN.
Balang araw ibang tao na ang makakapagpasaya sakin.
Balang araw hindi na ako aasa na sasabihin mo saking nami-miss mo din ako.
Balang araw, makakapag move on din ako.

Pero sa ngayon, stuck parin ako sa paghihintay.
Sa ngayon text mo parin ang hinahanap-hanap ko sa inbox ko.
Sa ngayon hinihintay ko parin na sabihin mong namimiss mo na ako.
Sa ngayon hinihintay ko parin na magparamdam ka.
Sa ngayon ikaw parin yung nakakapagpasaya sakin.
Sa ngayon, ikaw parin. Ikaw lang.
Gaya ng pangako ko. Ikaw lang.

Wednesday, April 24, 2013

"Akala ko siya na.. hindi pa pala."


Nakaka-ilang “hindi pa pala” ka na ba? Hindi ka parin ba nadadala?

Utang na loob, sayang ang ganda ng mata mo kung patuloy mong iiyakan ang maling tao.

Kailan ka ba madadala? Pag wala ng natira sayo? Pag ubos ka na dahil kung kani-kanino mo na naibigay ang puso mo?

Gaya ng sinabi sakin ng dati kong teacher, sa bawat “I love you” daw natin sa isang tao e binibigay natin sa taong yun ang kapiraso ng puso natin. So ikaw, ilang tao ba ang kailangan dumating sa buhay mo at sabihan mo ng “I love you” at iyakan mo para matauhan ka?

Hindi mo deserve ang lokohin, tandaan mo yan!
Dadating din yung taong seseryoso at magmamahal sayo ng totoo.

E pano kung malapit ka na dun sa “happy ever after” na inaasam-asam mo tapos biglang boom! Iniwan ka. Niloko ka. Sinaktan ka.

Sa totoo lang hindi ko din alam kung pano nagiging tragic ang kinahahantungan ng isang magandang love story eh. Ewan ko ba. Bakit may mga bagay na sa simula e napaka-ganda, napaka-sarap sa pakiramdam. Dun na pumapasok yung “Siya na talaga.” 

E kaso may nangyaring hindi mo inaasahan. Nagkanda-loko-loko na. Wala na, sira na yung magandang love story na inaasam mo.
Nangyari na kasi sakin to eh. Sabi nila “the best relationships start off as friendships..” kaya naniwala akong siya na nga talaga. Kasi naging mag bestfriend muna kami bago maging kami. Akala ko natagpuan ko na yung taong hinihingi ko kay Lord.. kaso mali ako. At ang sakit sakit nun.

Ang sakit isiping yung taong nagparamdam sayo ng lahat ng kaligayahan sa mundo e bigla kang iiwan. O di kaya e dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari e hindi niyo na maibabalik yung dating kayo. Wala na kayo, wala na yung “Good morning Baby.” “Good night Baby.” “I love you so much Baby.” “Di kita iiwan, promise yan.” Wala na yung “forever” na inaasam mo kasama yung taong yun.

Ako? Naniniwala parin naman ako sa forever e. Masakit lang kasi hindi na pala siya yung makakasama ko dun. Saklap e. Gusto kong umiyak ng umiyak dahil dun kaso hindi ko magawa kasi alam kong wala na din akong magagawa.

Tanga na kung tanga pero kung sakaling pwede pa. e ibabalik ko yung kami. Gagawin ko lahat, promise. Kaso hindi na e. Sayang, ang perfect na sana ng story namin e.

Isa lang ang alam ko sa ngayon. Hindi ko man naiintindihan kung ano ang nangyayari e alam ko dadating din yung tamang tao. Hindi ko alam kung kelan pero sigurado ako dadating siya.

Sa future partner ko: Ngayon pa lang nag so-sorry na ako kasi alam kong dadating ako sa puntong ipagkukumpara ko kayo ng nakaraan ko. Hindi na din siguro maiiwasan yun, minahal ko yun e. Pasensya ka na din sa kakulitan ko. Sa kabaliwan. Sa kakornihan ko. Pero wag kang mag-alala, ganito man ako, mamahalin naman kita ng sagad at wagas!

Dito na nagtatapos ang pinaka-magandang love story na naranasan ko. Ayoko na ding ipilit kasi baka sa kakapilit ko, sa huli wala ng matira sakin. Baka sirang-sira na ako. At ayokong mangyari yun. Masakit mang mag let go pero kailangan, para sa ikabubuti din naming dalawa yun. Basta ang alam ko, hindi ako nagkulang. Mayabang na kung mayabang kaso yun ang alam kong totoo.


At dito na din ako magtatapos, sa masakit na mga katagang.. “Akala ko siya na.. hindi pa pala.”


Cr: batangchingching.tumblr.com (My Tumblr Account, feel free to follow)