Madami akong kaibigan. Pero hindi ko pa nararanasan yung magkaron ng isang tunay na barkada, hanggang sa nakilala ko ang mga taong to.
Hindi sila perpekto, umiinom sila, may mga nag yoyosi, nagmumura din sila, pero hindi sila masasamang tao. Yung mga lalaki sa tropa, sila yung tipo ng lalaking kahit mga gago e may respeto sa iba lalo na sa babae. Dun ako namamangha sa kanila. Malalakas ang trip ng mga to, pero marunong din namang mag seryoso. Sobrang saya nilang kasama. Yung tipong kahit may problema ka e gagaan parin loob mo pag kasama mo na sila kahit di ka pa nag oopen up sa kanila.April 5, 2014, "Best night of my young life."
Nag-inom sila pero iced tea at candy crush lang ginawa ko. Sobrang nakakatawa kasi dumating sa point na nalasing na sila. Yung dalawa, babe na ang tawagan, yung isa nakikipag chat na lang kasi masakit na ulo, yung isa, kanta ng kanta kahit wala na sa tono, yung isa mahal na mahal na yung boyfriend, kwento ng kwento na iba talaga boyfriend niya ngayon, yung isa naman andami ng napapansin sa paligid niya. Sobrang laughtrip talaga yung gabing yun. Wala pa nga kaming balak umuwi kaso kailangan na 11 na din ng gabi (kahit 8:30 pa lang pinapauwi na kami).
Hindi na ako makapag hintay sa susunod na tambay kasama sila. Sana this time, kumpleto na tayo!
Sa kanila ko natutunan na hindi mo kailangan ng sobrang daming kaibigan, kahit konti basta totoo at maaasahan, rak na!
No comments:
Post a Comment