Saturday, August 4, 2012

Stress Reliever

I love you, Baby.
To Infinity And Beyond.
So kahapon (Friday, August 3, 2012), wala kaming pasok. Para daw makapag review para sa UPCAT. August 4 and 5 ang UPCAT, 6,7 review para sa exams sa school, 8,9,10 exams namin. Kung tutuusin, nakaka-baliw. Nakaka-drain ang lahat ng exams na kailangan kong i-endure. Sa mga nag survive sa Senior High School Life, saludo ako sa inyo! Hindi madali ang Senior life. Iba siya kumpara sa naunang tatlong taon mo sa high school. Sa unang tatlong taon, pwede kang mag petiks lang. Pag Senior ka na, hindi na pwede. Lalo na kung gusto mong makapasok sa magandang school. Parang ako ngayon, tuyung-tuyo ang isip ko sa mga exams na to. Sa mga requirements na kailangang ipasa, sa projects na kailangang gawin. OH PLEASE. I need a break. Hindi na ako makahinga. Partida, FIRST QUARTER pa lang yan!


Mabuti na lang, magaling si Lord. Alam Niya kung anong kailangan ko. REST. At alam Niya kung ano ang makaka-bawas sa stress ko. Si Rhaff. Yung lalaking yun. Yung lalaking pag nakasama ko e puro kalokohan.
Nung Tuesday night tinext niya ako tinanong niya kung anong oras ako nakaka-uwi. Plano daw kasi niyang pumunta sa bahay kinabukasan. Tapos naalala ko sa Friday nga wala kaming pasok so sinabi ko sa kanya. Napag desisyonan naming Friday na lang. Tapos Friday morning sabi niya wala daw siyang last subject kaya makaka-uwi siya ng mas maaga, ibig sabihin mas maaga siya makaka-punta sa bahay. Kung iisipin mo parang perfectly planned yung pagkikita namin kahapon e. Ewan ko, o baka ako lang nag-iisip nun. Binibiro ko nga yun sabi ko "Tadhana yan, Baby." Sabi ba naman "Ganun talaga. Meant to be e." Don't tell him, kinikilig ako. HAHAHA.

Pag dating niya sa bahay nanuod kami ng Hello Stranger, The Unborn, pati Thirteen Ghosts. Tsaka balita. :)
Mawawala ba naman ang picture-picture? AT! Nag level up kami. May videos nadin kami. Nakaka-tuwa nga e, natatawa ako habang pinapanood ko. Ang cute lang namin. SELF PRAISE, PEOPLE. Ang kulit-kulit namin. Iisipin mong magkapatid kami o kaya bestfriends lang. No more, no less. Ganun kami pag nag kulitan. At yun ang gustung-gusto ko saming dalawa. Di namin kailangang mag PBB Teens ng sobra pag magkasama kami para masabing mahal namin ang isa't isa. Tingin pa lang at ngiti, alam na.


Good vibes, people!
Thank you Rafaela. >:D< Yesterday was fun. You never fail to surprise me, to make me smile, to make me happy. You da one! :P
Advance happy 8th monthsary. I love you.
To Infinity And Beyond, Baby. 


Monday, July 16, 2012

Sweet Sixteen.

Nag birthday po ako nung July 14, maraming salamat sa mga naka-alala kahit di ko sinabihan. Maraming salamat sa mga bumati. Maraming salamat sa mga regalo na di ko inasahan. Kahit pagbati niyo lang, SAPAT NA. Chos. :)

Pero teka. May isa pa akong pinagdiwang nung Sabado. 7th monthsary namin ni Rafaela. Skl naman diba.
Favorite ko yung 2nd picture. Nakakatunaw lang ang titig! XD
Nung kaming dalawa na lang yung naiwan, wala, puro kami kalokohan. Tawa dito, tawa doon. Pano, ang tagal din naming hindi nagkita noh. Nilasap lang namin ang halos 3 oras na magkasama kami.

BABY! (yabang, baby pa gusto) salamat sa pag punta kahit alam kong pagod ka pati na din sa gifts kahit sabi ko wag na kasi ikaw lang, sapat na. Yieee, kilig yan. Ang saya-saya ko talaga nun kahit saglit lang. :) Thank you and Belated happy monthsary!
Next time ulit. Aral muna ngayon. :)
Iloveyou >:D<


Ugh, ang corny ko lang talaga noh? Ang corny ng mga sinasabi ko. Pasensya naman. -______-




PS. Wala lang, gusto ko lang mag post. Malamang kasi makikita niya to. XD
Next time na ako mag po-post ng 'pormal'.

Monday, June 11, 2012

Pag-ibig nga naman.







Naniniwala akong iba ang nagagawa ng pag-ibig. Nakakatanga to. At meron kang dalawang choices, ang maki-sabay at maging tanga din o gamitin ang utak. Tandaan, ang love nakakatanga at nangangain ng tanga.


Ang dami-dami kong kakilalang nagpakatanga at patuloy na nagpapakatanga dahil sa pag-ibig. Ganun din naman ako dati. Hanggang ngayon, minsan nga lang. Para sakin? Di naman kailangang palaging ganun. Minsan, okay din yun pero madalas dapat marunong tayo mag-isip. Kaya nga sa ulo nilagay ang utak e para mag-isip muna, bago puso.


"It's better to be right than to be happy", halos 3 taon na yan lang ang iniisip ko kaya halos tatlong taon din ako di nagka-boyfriend. Wala naman akong pinagsisisihan kasi madami akong natutunan. At naging masaya naman ako. Akala ko tuluy-tuloy na ang pagiging NBSB ko o No Boyfriend Since Break-up. Kaso biglang nag krus ang landas namin ng lalaking ito at dun na nabago ang nararamdaman ko.


Alam ko mismo sa sarili ko na hindi pa panahon para dito pero hello, inlab na inlab ako. Pero hindi siya ganun sakin. Inlab siya sa iba. SAKLAP.
Pero naging mag bestfriends naman kami kahit ganon. Kaso ang problema, pag nag o-open up siya sakin tungkol sa girl na mahal niya, nadudurog ang puso ko. AKO NA LANG!! Pero di ako tumigil sa pagiging bestfriend. Nandiyan ako pag kailangan niya, ganun din naman siya sakin. Lalo na nung kailangan na kailangan niya ng kaibigan. Nandun ako.


Hinayaan ko na lang. Mahal ko siya at kung san siya masaya, dun din ako. PLASTIK! Aminin mo, kung mahal mo ang isang tao, oo gusto mo masaya siya, pero deep inside sinasabi mo sa sarili mo na sana sayo siya maging masaya.


Minsan na akong nag mahal at nabigo (ang drama). Kaya naging maingat ako pag dating diyan. Oo, di maiiwasang mainlove, mahulog ang loob lalo na sa panahon natin na uso ang PBB Teens. Pero ni minsan di ko inisip na mag boyfriend kahit inlove ako at inlove din sakin yung taong yun. Pinanindigan ko yun at masaya ako.


E kaso nga, dumating siya. Nagbago lahat. Siya lang yung lalakeng ginusto kong sumira ng paninindigan kong wag muna mag boyfriend. Siya lang.


Dumating na ang araw na pinaka-hihintay ko. Umamin siyang mahal niya daw ako. Walang pagsidlan ang tuwa ko na ang reply ko pa nung sinabi niya mahal niya ako e "SHIT, MAHAL MO KO?! /insert kilig face here/"


Nakakatuwang isipin na sa darating na Huwebes ay anim na buwan na kami. Nakilala na siya ng pamilya ko at okay naman sila sa kanya.

Nakakatuwa kasi hindi lang siya boyfriend kundi bestfriend na din. Kahit ano nasasabi ko sa kanya. Kahit ang ingay-ingay ko okay lang sa kanya. Pero pag kailangan niya ng makikinig sa kanya, handa naman ako palagi at ganun din siya sa akin.
Kaya kong maging totoo sa sarili ko pag kasama ko siya. The best part. :)


Nakakatuwa yung pag magkasama kayo di kayo puro pasweet,  may asaran, kulitan, tawanan at higit sa lahat may pagkakaibigan.


Alam ko, maaga pa at masyado pa kaming bata para sabihing kami na forever. Pero ano bang masama na pangarapin na ganun nga ang mangyari? Di pa tapos ang kwento, mahaba pa to. Pero isa lang ang sigurado ko, masaya man o malungkot o ano pa yan, gusto kong maranasan lahat kasama siya.


Advance happy monthsary Rafaela. :) Mahal kita. :)





PS. Mas pogi ako sayo. :)

Friday, June 8, 2012

Mga nakaw na sandali.

Naranasan niyo na ba yun? Yung mag mahal ng taong malayo sa inyo. Yung tipong gusto mo mang makasama siya kahit ilang sandali lang e alam mong hindi pwede dahil sa lesheng distansyang namamagitan sa inyo. Yung ang tagal-tagal niyong nag hintay para makasama ang isa't-isa tapos ng dumating yung araw na umuwi na siya e tsaka naman hindi mag meet ang mga schedules niyo (syempre may schedule para sosyal).

Tapos boom! Yun na, finally!! Mag tatagpo na kayo! Nakapag practice ka na kung anong sasabihin mo, anong gagawin mo pag nagkita kayo. Planado mo na lahat. Oras na lang ang hinihintay mo. "Nandito na ako." marereceive mong text galing sa kanya. Hindi mo alam kung kinakabahan ka o ano ba pero literal na wala kang maramdaman. Nag-ayos ka ng sarili. Nag handa ka. Nag buntong-hininga. Malalim. Sobra. Lumabas ka ng bahay para salubungin siya, hinintay mo kahit tirik na tirik ang araw. Finally. Nakita mo siya, naglalakad. Palapit ng palapit sayo. Hindi mo alam ang gagawin. Tatakbo ka ba palayo sa kanya at papasok sa loob ng bahay niyo? Tatakbo palapit sa kanya? O tatayo ka lang ng parang istatwa? :)


Buong gabi mong pinag-isipan lahat ng gagawin at sasabihin mo. Memorized na memorized mo. Pero nung nagtagpo ang mga mata niyo at ngumiti siya sayo biglang nawala lahat ng nasa utak mo. Nablangko ka ng wala sa oras. At habang naglalakad kayo parang gusto mong bagalan para matagal yung moment. Kaso nag susumigaw si Haring Araw.


 Fast forward natin. Magkatabi kayo sa sofa. Hinawakan niya ang kamay mo. Alam mo mismo sa sarili mong hindi yun ang first time na may humawak ng kamay mo. Pero yun na siguro ang pinaka-kabado ka. Tinititigan mo siya ng parang first time mo makakita ng tao. Manghang-mangha ka. Nasa harap mo siya. Bigla ka niyang tititigan at di ka makatingin ng diretso sa kanya kasi syempre kinikilig ka.
Nang okay na ang lahat, komportable na kayo sa isa't-isa narealize mo na hindi nga lang talaga siya kasintahan kundi bestfriend mo din. Sarap noh? Yung pwede kang maging totoo sa sarili mo kasi alam mong tanggap ka niya. Tawa dito, tawa doon. Yung ayaw mo ng lumipas ang oras, ni ayaw mong may dumating na ibang tao. Moment niyo yun e. Ang tagal niyong nag hintay para doon. Yun bang gusto mong tumigil sa pag-ikot ang buong mundo.


Alam mo kung anong masarap sa feeling? Yung alam mong tanggap siya ng pamilya mo. Sapat na yun. Kahit sabihin pa nilang "O, pang inspirasyon lang yan ha?" e alam mong natutuwa sila sa kanya. Ang sarap nun sa feeling. Promise.


Sabi nga, some good things must come to an end. Kaya kahit enjoy na enjoy kang nandiyan siya e kailangan niyang umuwi kahit parehas kayong may ayaw. Yung sandaling papa-alis na siya, gusto mong tumigil ng literal sa pag-ikot ang mundo. Wait lang, wag muna. Pleaaaaassssseeeee!! Gusto mong kumanta ng "You got me beggin', baby please don't gooooooo!"
Yung simpleng pag hawak niya ng kamay mo bago siya umalis? Shems! Wag ka nang bumitaaaaaaw. E yung pabulong niyang "I love you" bago siya tuluyang umalis? Waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!
 At yun na yung moment na alam mong mag hihintay na naman kayo. Gano katagal? Walang nakaka-alam. Anong part yung pinaka-masakit? Edi yung nakikita mo siyang naglalakad na papalayo sayo. Letsugas men, gusto mo siyang habulin, yakapin at wag ng pakawalan. Sana parang sa computer shop na lang yan na pwede mong isigaw sa nag babantay, "Kuya/Ate, pa-extend, 30 minutes!" Wala na siya. At dun mo na ulit siya namimiss.



Pag pasok mo sa bahay, wala na siya. Pag upo mo sa sofa, wala na siya. Masaya ka sa nangyari kanina pero malungkot ka na ngayon kasi wala na siya. Posible pala yun, yung dalawang magka-ibang emosyon e maramdaman mo ng sabay.



Sa pag tulog e siya parin ang nasa isip mo habang suot-suot mo ang jersey na bigay niya sayo kanina. :)



 Ang saklap nung wala na kayong magawa kundi mag palitan ng 'I miss you' messages sa pamamagitan ng text. Posible palang mamiss ang isang tao kahit kaka-alis lang niya. Wallpaper mo e kayong dalawa. Mas nakakamiss pala noh?
Pag mag isa ka, paulit-ulit mong iisipin ang mga nangyari. At dun na mag sisink in sayo na ang mga nakaw na sandali ay ang pinaka-masaya. Kung pwede lang sanang maibalik ang oras sa panahong magkayakap kayo edi ginawa mo na. Kaso hindi e.



Sa pag lipas ng mga araw marerealize mong nilalayo ka neto sa huling pagkakataong magkasama kayo pero dinadala ka naman nito papalapit sa susunod na pagkakataong iyon. Sarap noh?

Friday, June 1, 2012

The love I have for rainy days

I love rainy days. And that explains everything. But I never actually realized, until now, that rainy NIGHTS are better than rainy DAYS. I don't know what it is with the sound of the raindrops hitting our roof that makes me happy. Happy, yes.


Maybe because the rain reminds me of my childhood. How my friends and I would race to the basketball court and lie down in a circular form and watch as the raindrops finally hit our young faces. Faces of young, careless children with the most beautiful smiles on their faces.


 Don't you just miss how SMILING actually meant that you were glad? How laughter was real? Okay I sounded like a doughnut commercial. Don't you just miss being a child? How everything was simple? Wherein the most difficult decision to make was which game to play first?


 But of course my childhood wasn't always with happy memories. The rain also reminds of the time when I slipped in front of our house right before I was about to enter the gate. My neighbor saw that but thankfully she doesn't bother bringing that up. Not the finest hour of my life and yeah, it was a painful experience. I remember cursing my slippers back then.



 The rain makes me hopeful, how, that I do not know. It has been my childhood dream to dance in the rain with someone special, cheesy, yes, but no point of lying. And finally, be kissed in the rain. Blame those chick flicks, okay?! Not now but someday, someday. :)



It's June and rainy season is about to start, oh how I love the smell and the thought of it!
How about let's dance in the rain one time, eh? Mushy Gwyn alert!


 I need to sleep this off. Ugh, muahahaha! Have a goodnight sleep!

Pasukan na naman.

June na! Letsugas! Tapos na ang maliligayang araw ng tulad kong batugan. Hindi na uubra yung sistemang tulog sa umaga, gising na gising sa gabe. Sistemang kwago ba. Kailangan na naman mag sipag. Wala na yung buong araw nood lang ng TV, computer, text, buhay prinsesa/prinsipe. Sa pasukan, lahat tayo alila na naman.


Alila ng mga assignments, quizzes, surprise quizzes (buti kami wala neto, yes!), surprise recitations, defenses, term papers, movie/book reviews, investigative reports, essay writing, quiz bees (na sa katunayan ay ISA sa mga pangyayaring ipinagpapasalamat ng mga estudyanteng kagaya ko na hindi sumasali sa ganun, kasi walang klase pag may quiz bees!) at higit sa lahat, uulilain na naman tayo ng KATAMARAN! Hindi yan mawawala sa eksena. Araw-araw na naman niya tayong pipigilang bumangon ng maaga at kung tutuusin e parang tinutulungan pa siya ni pareng Antok.



 Makikita mo na naman yung kinaiinisan mong kaklase/schoolmate, yung isang grupo ng mga magkakaibigang parang walang bukas kung humalakhak (kami po ito), yung mga bully mong classmates, yung mga feeling siga/gwapo, yung mga feeling magaganda at kung umasta kala lahat may gusto sa kanya, yung terror niyong teacher, yung batang parang walang kaibigan, yung batang parang lahat ng tao sa school niyo e kaibigan, yung batang halatang bagong gising at kinaladkad ng nanay niya papuntang school, yung mga love teams ng school, yung mga ate't kuya sa canteen, mga custodians, mga driver at monitor ng services, yung nurse, yung guards at higit sa lahat, /drumroll/ si CRUSH (okay wala akong crush sa school. Maliban kung andun yung batang si Michael Shane)! Si crush na nagsisilbing inspirasyon, at yung nagsisilbing isang rason para pumasok. Yun bang makita mo lang siya, okay na.


Pero hello, may tatalo pa ba sa BARKADA?! Ako, kaya lang talaga ako pumapasok kahit sobrang nakakatamad e kasi nanghihinayang ako sa isang araw na di ko makakasama yung barkada ko. Sayang yung isang araw na di nila ako uubusan ng baon, di pag-aagawan yung baon kong Milo (oo, nag babaon ako niyan), pero mas sayang yung isang araw na di ko sila makakasamang tumawa ng buong puso't diwa, lakas, at ng buong pagkatao.


 "Mag-aaral ako ng mabuti sa taong to!" Apat na taon ko ng sinasabi to sa sarili ko at tatlong taon ko na ding binibigo ang sarili ko. Tatlo pa lang kasi di pa ako nag-aaral ngayon, wag excited. Pwede?! Gustung-gusto ko talagang mag-aral ng mabuti kaso ang daming distractions. Di ako maka-concentrate. Pero iba this year. Gusto kong makakuha ulit ng matataas na grado (kaso ang nangyare, sa mata ko nakuha yang mataas na grado na yan, letsugas!)

Mas masarap kaya yung nag hirap ka, binigay mo yung puso't kaluluwa mo tapos ang ganda ng balik sayo kesa yung petiks ka lang, pakasaya ka, young, wild and free ang drama tapos young, wild and free din yung grades mo.


 "Education is the key to success." Tumpak! Kasi dapat may pinag-aralan ka para mabuhay ka. Kasi di lahat ng tao e tatamaan ng swerte tulad ni Manny Pacquiao, o ni Manny Villar. :)


Ang hindi ko maintindihan e sa bansang katulad ng Pilipinas, kung saan, aminin na natin, madaming mahihirap na nangangailangan ng success na ito, e napaka-mahal ng magandang edukasyon. Kung sino pa ang mahirap na kailangang umahon e sila pa itong hindi nakikinabang sa tagumpay na maibibigay ng magandang edukasyon.


Hindi ba natin pansin? Tayong nakaluluwag sa buhay, nasatin na yung comfort ika nga, ng pamumuhay. Pero tayo tong puro reklamo, kesho ganito, kesha ganyan, na di natin narerealize na ang daming batang gugustuhing makipagpalit satin.

Ang daming batang dumadaan sa maputik na daan, sa ilog para maka-pasok sa school pero wala silang reklamo. Nalulungkot ako na kung sino pa yung nabiyayaan ng magandang buhay at oportunidad na makapag-aral, yun pa yung ayaw, tine-take for granted yung oportunidad na yun. Pero kung sino pa yung may gusto, siya pa yung napagkaitan ng tadhana. Bakit kaya? Siguro kasi gusto ng Diyos makita kung sinu-sino yung magiging thankful at gagamitin yung biyaya Niya. At kung sino yung mag pupursigi na mapabuti yung buhay nila sa kabila ng kahirapan.



 Bago ka mag reklamo, isipin mo yung mga mas nahihirapan pero walang reklamo. Bago ka mainis sa hirap ng lessons o ng exams, isipin mo yung mga gustong maranasan yung nararanasan mo. Ba't di mo muna subukang magpasalamat bago ka mag reklamo?

Pag-ibig.

Ang sarap mag mahal, oo. Sobra. Pero hindi sa lahat ng oras puro ngiti, tawa, saya, o kilig ang mararamdaman mo pag nag mahal ka. Complete package yan. Nandiyan ang lungkot, sakit, awayan, selosan, tampuhan. Nakakainis noh? Pero ganun talaga ang buhay ng nagmamahal.


Pero pano pag ginawa mo na ang lahat pero wala paring saysay ang lahat nang ito sa kanya? Pano kung di ka nagkulang sa pagpapa-alala na SIYA LANG. Pano kung di niya mapigilang magselos? Mag-aaway kayo? Posible. Pero kung mag sorry siya? Babalewalain mo? Magmamatigas ka? Bakit? Dahil ba sa pride na yan? Shunga ka? Di pinapa-iral yang lesheng pride na yan sa isang relasyon.


Sa tuwing nag mamatigas kayo at sinusubok kung sinong mas malakas, sinong makakatiis, sinong mas magaling e pumapasok kayo sa isang labang PAREHAS KAYONG TALO. Nagpakababa na yung isa, di pa ba sapat yun? Kulang parin?


 Hindi basta-basta sinusukuan ang problema. Nilalabanan to. At dapat magkaka-kampi kayo. Hindi yung magkakampi lang kayo pag ok ang lahat kasi mas importanteng magkasama kayong lumalaban lalo na kahit di malinaw ang hinaharap.

Hindi sa dami ng masasayang araw nasusukat kung gano katibay ang isang relasyon kundi sa dami ng pag subok na nilabanan niyo ng magkasama. Sa dami ng pagsubok na pinili niyong pagtagumpayan kasi ayaw niyong mawala ang isa't-isa.



Maraming magkarelasyon ang nag-aaway dahil sa walang kamatayang SELOS. Ang selos ay hindi tanda ng kawalan ng tiwala sa isa kundi tanda na mahalaga ka at ayaw niyang mawala ka sa kanya. Huwag kang nagalit kung nagseselos siya, matakot ka kung hindi na, kung wala na siyang paki-alam.

 Bawat luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata ay tanda ng ayaw niyang mawala ka. Kung maaari, suklian mo yun. Punasan mo at ipaalalang hindi ka mawawala.

Pag nabasa to ng mga babae, sasang-ayon sila agad pero girls, may papel din kayong gagampanan bilang girlfriend. Effort? Hindi lang lalaki ang gumagawa nun. Nakikita yun sa both sides. At wag balewalain ang effort na pinapakita niya. Tao din yan. Mapapagod. Baka balang araw yung effort na binabalewala mo e sa iba na niya binibigay at pag sisihan mo to.


Never take the person you love for granted. Di habang buhay nandiyan siya. Bawat minutong sinasayang niyong di nagpapansinan ay mga panahon sanang pwede niyong igugol ng magkasama, masaya. Wag mong balewalain ang effort na binibigay niya. Baka pag napagod yan e ikaw ang maghabol at di mo maabutan.


Kung nakita mo na ang taong gusto mong makasama habambuhay, alagaan mo. Wag mong bigyan ng dahilan at pagkakataong iwan ka at mawala siya. Bagkus bigyan mo siya ng sapat na dahilan para manatili. Ipakita mong di siya nagkamali na sa dinami-rami ng tao sa mundo, ikaw ang pinili niya.

Oo, walang perpektong relasyon. Walang relasyong walang away, tampuhan, selosan pero pwede niyong gawin ang relasyon niyo na karapat-dapat ipaglaban. Magtulungan kayo. Ayusin ang dapat ayusin.

Di maiiwasang dumating sa puntong parang ayaw niyo na. Pag ganun, isipin niyo kung bakit nga ba kayo humawak ng ganun katagal. Kung yan ang gagawin ng bawat isa, malamang kakaunti ang pagkakataong umiiyak dahil sa lungkot at sakit. Hanggat maaari, kung paiiyakin niyo ang partner niyo e gawin niyo ng dahil sa sobrang saya.




 Susuko ka na ba o lalaban pa?

Wednesday, April 11, 2012

Best Part Of Me.

April 11, 2011. 3 more days before I can finally see you. 3 more days before I can finally hold you in my arms. I've waited for too long. I've been patient for too long. And now the long wait's about to end. It just feels so right. It feels so right.

  • Take pictures with you
  • Sing with you
  • Sing for you
  • Laugh with you
  • Hug you
  • Say 'I love you'
  • Look into your eyes
  • Hold your hand
That's just few things I'd do with you. I can't wait. I love you. :')

You're the best part of me.



This is so random. Kbye.

Sunday, March 18, 2012

RGE.

I didn't plan to post here until school's over but I had to.

This one's for the guy who shocked me with "I read your posts in Blogspot and Plurk" last night.
My bestfriend, my boyfriend, my biggest crush, my biggest admirer, my number 1 fan, my number 1 critic, my suitor, the reason for the butterflies in my stomach and my bestfriend. Yes, I am emphasized on my bestfriend. He was, he is and he will always be my bestfriend.

If ever you got the idea of reading my blogs again, then at least you'll have something to read that you know I made for you to actually read.

I never meant for you to read the entries I posted here--they were supposed to be my secret but since you already know them, I have nothing to hide.

When we first met, I admit, I liked you already--a lot. But I never thought you would become so important to me. When we became friends, I never thought the feeling would become like this. When we became bestfriends, I fell in love. When I fell in love, I never thought you'd feel the same way, I never thought you'd be mine.
It's been almost 6 months when you told me you love me. It's been more than 3 months when we became us.
You're always there to listen to my never ending rants, my random-est thoughts, my corny jokes, my cheesy statements and most of all, my weird laugh. You're always there to make me laugh and forget why I didn't want to smile. You told me I was beautiful when I didn't believe it. You told me I was the most beautiful girl in the world for you--I didn't ask for that. I didn't expect you to say that. You see the beauty inside me even if I, myself, don't see it. You see me in a different way I see my self. You tried to understand me when no one else even seemed to care. You tried to understand me even if I don't understand myself. You accepted the fact that there are times when I get sad or mad for no valid reason, you accepted my moodiness. You didn't try to change me, you accepted me for who I am. You loved me for who I am. When I'm starting to become jealous, you try your best to reassure to me that I'm the only one for you. You laugh at me when I'm jealous because you think it's cute when I become jealous. I don't know why but you do. And then we end up laughing about it. I'm sorry for being jealous, I just don't want to lose you. You try your very best to understand everything about me. You acknowledged the fact that I have flaws, that I'm not perfect but you still treat me like I am perfect. You know my story, you know my past and what you said stunned me, melted me; "I can never do that to you. I know you're scared but I will take care of you."

This may be weird for other people, they might think this is what you call puppy love but for me, it's more than that. I know, we're young and we're not sure of what's going to happen next but one thing I know is for sure-- I love you. As simple as that but I mean it.

You know you're not my dream boy--you're better than that.
Do you remember the time when I called you and I was crying? You didn't say anything, you listened to my cry and told me that everything's gonna be okay. I don't know why but even though you didn't say much, I felt better. You're the only one who was able to do that.

I can't explain the feeling I feel when I receive a good morning text from you. The butterflies are still there. They never left.
When we talk on the phone and I hear you laugh because I'm jealous or when I say a joke, I know I fall harder.

I have a lot to say but I don't know how to express them. I can't find the right words.

As much as I want to feel your embrace right now, I know I can't. But soon, soon my love.

My friends envy me for having this kind of love. I'm thankful. I'm blessed to have you.
They think you're just my boyfriend but you're way more than that. They'll never understand that because they don't feel what I actually feel.

I don't know how to end this though. But I want to say thank you, thank you for everything.



I know the post is too long and mushy but hey, when it comes to love, everyone becomes mushy.
Like what the song How To Make A Love Song by Parokya Ni Edgar says, "It's hard not to sound corny when you're singing from the heart."

I'll always be your Gwyndina.