Nakaka-ilang
“hindi pa pala” ka na ba? Hindi ka parin ba nadadala?
Utang
na loob, sayang ang ganda ng mata mo kung patuloy mong iiyakan ang maling tao.
Kailan
ka ba madadala? Pag wala ng natira sayo? Pag ubos ka na dahil kung kani-kanino
mo na naibigay ang puso mo?
Gaya
ng sinabi sakin ng dati kong teacher, sa bawat “I love you” daw natin sa isang
tao e binibigay natin sa taong yun ang kapiraso ng puso natin. So ikaw, ilang
tao ba ang kailangan dumating sa buhay mo at sabihan mo ng “I love you” at
iyakan mo para matauhan ka?
Hindi
mo deserve ang lokohin, tandaan mo yan!
Dadating
din yung taong seseryoso at magmamahal sayo ng totoo.
E
pano kung malapit ka na dun sa “happy ever after” na inaasam-asam mo tapos
biglang boom! Iniwan ka. Niloko ka. Sinaktan ka.
Sa
totoo lang hindi ko din alam kung pano nagiging tragic ang kinahahantungan ng
isang magandang love story eh. Ewan ko ba. Bakit may mga bagay na sa simula e
napaka-ganda, napaka-sarap sa pakiramdam. Dun na pumapasok yung “Siya
na talaga.”
E kaso may nangyaring hindi mo inaasahan. Nagkanda-loko-loko na. Wala na, sira na yung magandang love story na inaasam mo.
Nangyari
na kasi sakin to eh. Sabi nila “the best relationships start off as
friendships..” kaya naniwala akong siya na nga talaga. Kasi naging mag
bestfriend muna kami bago maging kami. Akala ko natagpuan ko na yung taong
hinihingi ko kay Lord.. kaso mali ako. At ang sakit sakit nun.
Ang
sakit isiping yung taong nagparamdam sayo ng lahat ng kaligayahan sa mundo e
bigla kang iiwan. O di kaya e dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari e
hindi niyo na maibabalik yung dating kayo. Wala na kayo, wala na yung “Good
morning Baby.” “Good night Baby.” “I love you so much Baby.” “Di kita iiwan,
promise yan.” Wala na yung “forever” na inaasam mo kasama yung taong yun.
Ako?
Naniniwala parin naman ako sa forever e. Masakit lang kasi hindi na pala siya
yung makakasama ko dun. Saklap e. Gusto kong umiyak ng umiyak dahil dun kaso
hindi ko magawa kasi alam kong wala na din akong magagawa.
Tanga
na kung tanga pero kung sakaling pwede pa. e ibabalik ko yung kami. Gagawin ko
lahat, promise. Kaso hindi na e. Sayang, ang perfect na sana ng story namin e.
Isa
lang ang alam ko sa ngayon. Hindi ko man naiintindihan kung ano ang nangyayari
e alam ko dadating din yung tamang tao. Hindi ko alam kung kelan pero sigurado
ako dadating siya.
Sa
future partner ko: Ngayon pa lang nag so-sorry na ako kasi alam kong dadating
ako sa puntong ipagkukumpara ko kayo ng nakaraan ko. Hindi na din siguro
maiiwasan yun, minahal ko yun e. Pasensya ka na din sa kakulitan ko. Sa
kabaliwan. Sa kakornihan ko. Pero wag kang mag-alala, ganito man ako, mamahalin
naman kita ng sagad at wagas!
Dito
na nagtatapos ang pinaka-magandang love story na naranasan ko. Ayoko na ding
ipilit kasi baka sa kakapilit ko, sa huli wala ng matira sakin. Baka
sirang-sira na ako. At ayokong mangyari yun. Masakit mang mag let go pero
kailangan, para sa ikabubuti din naming dalawa yun. Basta ang alam ko, hindi
ako nagkulang. Mayabang na kung mayabang kaso yun ang alam kong totoo.
At dito na din ako magtatapos, sa masakit na mga katagang.. “Akala ko siya na.. hindi pa pala.”
Cr: batangchingching.tumblr.com (My Tumblr Account, feel free to follow)
No comments:
Post a Comment