Pag-ibig
Talaga Oh.
By Georgette
Gwyn P. Biliran
Nainlove ka na ba? Kung oo edi naramdaman mo na yung
“butterflies” sa tiyan mo? Yun bang pag nakikita mo siya parang nag slow-motion
yung mundo with matching hangin effect pa! Yung pag ngumiti siya parang
nagsindi ng milyun-milyong kandila, nagpa-ilaw ng daan-daang ilaw na may 1000
watts dahil sa sobrang liwanag. Yun bang pag niyakap ka na niya e nag
ta-transform ka bilang isang feather sa sobrang gaan ng feeling (Sige teh, push
pa!). Ang sarap mainlove no?
Hindi naman talaga masakit magmahal e. Kasi ang pagmamahal,
isang magandang regalo yan galing sa Diyos. Yung rejection, jealousy,
immaturity, yan ang masakit. Pero hindi ang pagmamahal. (Courtesy to Sir JJ)
Masarap magmahal lalo na pag mahal ka din ng taong mahal mo.
Yun bang matagal mo na siyang pinangarap tapos nung susuko ka na bigla siyang
aamin na mahal ka din pala niya. Haay, heaven dre! Tapos naging kayo. Dun na
papasok yung pangakong “FOREVER”. Gasgas na yun e. Kaso madami paring
nabibiktima niyan! Pano kasi, TOTOO ang forever. It just takes two people who
are meant to be to prove it. Naalala ko yung sabi sakin ng sister-in-law ko,
“Kahit anong pilit natin kung hindi kalooban ng Diyos, sakit lang ang
maidudulot.”
Totoo yun. Naranasan ko yun e. Naranasan kong mag mahal ng
kaibigan at minahal niya din ako. Kung tutuusin, ang perfect nga ng love story namin
e (Sariling puri lang). Nag simula kami
bilang matalik na magkaibigan. Walang malisya yun, pramis! Kaso nainlove ako.
Talo ako, diba? Ganun naman ngayon, unang mainlove, talo. Pero bakit ba, inlove
din naman siya ah! Kaso hindi sakin, sa iba. Pero syempre bilang bestfriend
nandiyan ako lagi para sa kanya, para iyakan niya, para patawanin siya. Oo,
lahat ginawa ka. Lalo na nung panahong sunud-sunod yung problema niya. Tapos
nagalit pa girlfriend niya sa kanya at ayaw na siyang makausap.
Ako yung kaibigan na nalalapitan niya. Yun nga, dumating
yung isang araw na naging suicidal siya. Ikaw ba naman e, malayo ka na nga sa
pamilya mo, dami mo pang problema. Sinabi niya sakin yung mga problema niya.
Ako naman si bestfriend todo comfort, syempre. E syempre may pasok ako
kinabukasan kaya kailangan kong gumising ng maaga, kaya sabi ko sa kanya tigil
na sa pag-inom (kilala ko siya, hindi naman siya talaga mahilig uminom dati e).
Ayaw niya parin, napuno ako kaya sinabihan ko siya ng “Sana yung concern na
nararamdaman ko ngayon malipat ko sa girlfriend mo para hindi ako nahihirapan!
Hindi ako nasasaktan. Kasi alam ko kahit anong sabihin ko hindi din naman ako
yung kailangan mo para matigil ka diyan!” Sabay iyak. Oo, umiyak talaga ako nun
tapos natulog na ako.
Nung September, sabi ko ayoko na. Masakit na masyado. Mag
mumove on na ako kahit hindi naman naging kami. Adik lang e. Sabi ko last na
tong September 30. September 30, 2011 came. Gabi na yun mga 10 siguro. Nagtext
siya ng “May aaminin ako.” Syempre kinabahan ako diba. Sabi niya “Mahal kita.”
Kiliiiiig! Ang galing diba? Saktong-sakto siya sa deadline ko. Pero December
14, 2011 ko pa siya sinagot.
December 14, 2011. Alala niyo ba kung anong meron dun?
Meteor shower. Oo, ang ganda nga e. Habang kausap ko siya sa telepono e
nakatingala ako sa langit. Kasi alam kong kahit malayo kami sa isa’t isa, e
nasa ilalim parin kami ng iisang langit. Aw, andrama!
Ilang ulit kong sinabi kay Lord na alisin na lang siya sa
buhay ko kung hindi talaga siya para sakin. Ayun, inalis nga Niya.. kaso
binalik din.
LDR kami. Kaya nung unang beses naming nagkita pagtapos
maging kami, akala ko magiging awkward. Kaso hindi, ang gaan ng pakiramdam ko
sa kanya.
Perfect love story, ika nga nila. Kaso wala talagang
“Perfect Love Story.”
Lahat ng bagay may katapusan. Natapos ang lahat-lahat nung
April 4 2013.
Iyak ako ng iyak. As in mugto talaga yung mga mata ko. April
5, 2013, niligawan niya ako ulit dahil sabi niya “Hindi ko pala talaga kaya ng
wala ka. Mahirap e.” Haba ng hair ng lola mo! Sinagot ko siya nung April 7.
Okay naman kami. Masaya. Kaso dumating yung isang hindi
inaasahang pangyayari. Isang masaklap na pangyayaring nagpabago ng lahat.
Naging mitya ng pagtatapos ng love story na inaasam asam ko. April 25, 2013,
natapos ang lahat. Ng dahil sa isang pagkakamali, nawala lahat. Lahat ng
pinaghirapan ko. Lahat ng pinaglaban ko ng buong buo. Lahat ng pinangarap ko,
nawasak. Nawala siya sakin.
OA, oo pero masisisi mo ba ako kung ganito ang maramdaman at
isipin ko? Kung ikaw ang nasa posisyon ko, kung ikaw ang nakaranas ng lahat ng
naranasan ko, kung ikaw ang nakadama ng naramdaman ko masasabi mo din sa sarili
mo na “Siya na nga talaga.” Pero ang sakit kasi nagtapos ako sa “Akala ko siya
na, hindi pa pala.” (Yan din yung isa kong post.)
Ngayon syempre nasasaktan parin ako. Pinaka-mahirap dun e pano ako mag mumove on, e pinlano ko na lahat kasama siya. Kaya pala ang daming ayaw mainlove sa bestfriend nila kasi mahirap nga talaga pag nagbreak kayo. Sinong tatakbuhan mo? Sinong kakausapin mo? Pero wag kayo matakot mainlove sa bestfriend niyo kasi sabi nga ng isang author, “Learn to be a good friend, after all, marriage is about spending the rest of your life with your bestfriend.”
Sa panahon ngayon dapat bitter ako. Dapat galit ako sa
kanya, sa pang-iiwan niya sakin kaso hindi ko magawa yun. Kasi lahat ng sakit
na nadarama ko e nasasapawan nung simpleng “MAHAL KO SIYA.”
Sana pwede tayong pumili ng taong para sa atin, kung
saka-sakali e SIYA parin ang pipiliin ko. Pramis!
Pero sa totoo lang, ang gusto ko e sana may paraan para
malaman natin kung sino talagang nakalaan para sa atin no? Yung tipong
pagka-panganak satin e merong naka-kabit na sulat galing kay Lord na
nagsasabing “Siya ang nakalaan para kay ____. Na nakatira sa _____. Magtatagpo
silang dalawa sa lugar na _____, sa araw ng ______. Pag sila ay _____ na gulang na.” Para alam
agad natin kung sino yung Mr./Ms. Right natin, para wala ng paligoy-ligoy pa.
Para wala ng uuwing luhaan.
Pero kung nangyari man yan e pano na magkaka-album si Taylor
Swift? Pano na sisikat ang The Script? Pano na din si Adele? (Peace sa fans
nila. Fan din po ako.)
Kung tutuusin, minsan TAYO din ang may kasalanan kung bakit
tayo nasasaktan. Pilit kasi tayo ng pilit.
Ikaw: Lord, siya na po ba?
Lord: Hindi pa, anak. Let go.
Ikaw: E, Lord naman e. Siya na lang, please?
Ikaw: Lord, ang sakit sakit naman. Ano na po bang gagawin
ko?
Lord: Let go.
Ikaw: No, Lord. Ipaglalaban ko siya.
Ikaw: Lord, ayoko na po. Bakit ako nasasaktan ng ganito?
Bakit niya ako iniwan?!! Bakit Mo hinayaang mangyari to! Bakit di Mo ko
sinabihan nung una pa lang?!
Lord: Diba, sabi ko sayo, LET GO. Ikaw kasi, pilit ka ng
pilit. Alam mo na ngang bawal, sige ka parin. Ngayon tignan mo. Nasasaktan din
Ako, anak.
Oh ayan. Edi wasak ka na naman. Kakapilit mo kasi yan e!
Pero hayaan mo. May band-aid si Lord. Gagamutin niya yang
puso mo. Sabi nga sa Psalm 147:3 “He heals the broken-hearted and binds up
their wounds.”
Hindi kita masisisi kung magiging bitter ka. Pero tama na
teh, ikaw din naman nahihirapan e.
Hindi kita masisisi kung iiyak ka. Alangan namang mag party
party ka e iniwan ka nga diba?
Hindi kita masisisi kung isususmpa mo lahat ng lalaki/babae
sa mundo. Pero pano yung RIGHT ONE? Hindi mo pa nga siya kilala, hinuhusgahan
mo na agad.
Hindi kita masisisi kung ayaw mo ng magmahal ulit.
Kasi yan ang nararadaman ko ngayon. Nakakatakot na. Baka
maulit lang yung sakit.
Pero wag ka matakot. Kasi si Lord ang bahala. May taong
inilaan ang Panginoon para sayo. Sadyang makulit ka lang at pasaway kaya ka
nasaktan.
One of my favourite quotes says, “If you were happy with the
wrong one, how much more when the right one comes?”
Tama na, sayang nga naman ang ganda ng mata mo kung patuloy
kang iiyak dahil sa maling tao.
Dadating din yung inilaan sayo. Sa tamang oras, tamang
panahon, tamang pagkakataon. And this time, you know how to do it better. How
to handle things better.
Dadating din yung taong magpapa-realize sayo ng dahilan kung
bakit hindi nag work yung mga bagay-bagay sa inyo nung nakaraan.
Dadating din yung magpapa-ranas sayo ng happy ending.
Gaya ng nangyari kay Tom at Summer sa 500 Days Of Summer.
Happy ending parin naman diba? Hindi nga lang sila. Ganun naman e, minsan yung
“HAPPY EVER AFTER” natin e hindi kasama yung taong inaasam natin.
O di naman kaya e, kayo talaga sa huli. (Oh ayan ah,
pinaliligaya ko kayong mga umaasa.)
Kung kayo talaga, kayo talaga. Ano mang mangyari. Gano man
katagal kayong di magkita, pagtatagpuin at pagtatagpuin din kayo ulit.
Sometimes two people need to grow apart for them to realize how much they need
to get back together.
Parang sa One More Chance, ang paborito nating lahat.
Kinailangan muna nila Popoy at Basha na magkahiwalay bago
nila makamit yung happy ending.
Sabi nga, “It takes grown-ups to make a relationship work.”
Di bale ng umiiyak at nasasaktan ka ngayon. Hindi ka
magiging matapang kung hindi mo pagdadaanan yan.
Wag ka mag-alala, sa fairytales nga diba, walang “And they
lived happily ever after” until the last page?
Magkakaroon ka din ng WAGAS na pag-ibig kasama yung TAMANG
TAO. Wag mo hingin yung BETTER lang. Kasi madami diyan, hingin mo yung TAMA,
kasi nag-iisa lang yun.
Ngumiti ka lang, kapatid. Makakapag move on ka din, tiwala
lang with puso!
No comments:
Post a Comment