Naranasan niyo na ba yun? Yung mag mahal ng taong malayo sa inyo. Yung tipong gusto mo mang makasama siya kahit ilang sandali lang e alam mong hindi pwede dahil sa lesheng distansyang namamagitan sa inyo. Yung ang tagal-tagal niyong nag hintay para makasama ang isa't-isa tapos ng dumating yung araw na umuwi na siya e tsaka naman hindi mag meet ang mga schedules niyo (syempre may schedule para sosyal).
Tapos boom! Yun na, finally!! Mag tatagpo na kayo! Nakapag practice ka na kung anong sasabihin mo, anong gagawin mo pag nagkita kayo. Planado mo na lahat. Oras na lang ang hinihintay mo. "Nandito na ako." marereceive mong text galing sa kanya. Hindi mo alam kung kinakabahan ka o ano ba pero literal na wala kang maramdaman. Nag-ayos ka ng sarili. Nag handa ka. Nag buntong-hininga. Malalim. Sobra.
Lumabas ka ng bahay para salubungin siya, hinintay mo kahit tirik na tirik ang araw. Finally. Nakita mo siya, naglalakad. Palapit ng palapit sayo. Hindi mo alam ang gagawin. Tatakbo ka ba palayo sa kanya at papasok sa loob ng bahay niyo? Tatakbo palapit sa kanya? O tatayo ka lang ng parang istatwa? :)
Buong gabi mong pinag-isipan lahat ng gagawin at sasabihin mo. Memorized na memorized mo. Pero nung nagtagpo ang mga mata niyo at ngumiti siya sayo biglang nawala lahat ng nasa utak mo. Nablangko ka ng wala sa oras. At habang naglalakad kayo parang gusto mong bagalan para matagal yung moment. Kaso nag susumigaw si Haring Araw.
Fast forward natin. Magkatabi kayo sa sofa. Hinawakan niya ang kamay mo. Alam mo mismo sa sarili mong hindi yun ang first time na may humawak ng kamay mo. Pero yun na siguro ang pinaka-kabado ka. Tinititigan mo siya ng parang first time mo makakita ng tao. Manghang-mangha ka. Nasa harap mo siya. Bigla ka niyang tititigan at di ka makatingin ng diretso sa kanya kasi syempre kinikilig ka.
Nang okay na ang lahat, komportable na kayo sa isa't-isa narealize mo na hindi nga lang talaga siya kasintahan kundi bestfriend mo din. Sarap noh? Yung pwede kang maging totoo sa sarili mo kasi alam mong tanggap ka niya. Tawa dito, tawa doon. Yung ayaw mo ng lumipas ang oras, ni ayaw mong may dumating na ibang tao. Moment niyo yun e. Ang tagal niyong nag hintay para doon. Yun bang gusto mong tumigil sa pag-ikot ang buong mundo.
Alam mo kung anong masarap sa feeling? Yung alam mong tanggap siya ng pamilya mo. Sapat na yun. Kahit sabihin pa nilang "O, pang inspirasyon lang yan ha?" e alam mong natutuwa sila sa kanya. Ang sarap nun sa feeling. Promise.
Sabi nga, some good things must come to an end. Kaya kahit enjoy na enjoy kang nandiyan siya e kailangan niyang umuwi kahit parehas kayong may ayaw. Yung sandaling papa-alis na siya, gusto mong tumigil ng literal sa pag-ikot ang mundo. Wait lang, wag muna. Pleaaaaassssseeeee!! Gusto mong kumanta ng "You got me beggin', baby please don't gooooooo!"
Yung simpleng pag hawak niya ng kamay mo bago siya umalis? Shems! Wag ka nang bumitaaaaaaw. E yung pabulong niyang "I love you" bago siya tuluyang umalis? Waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!
At yun na yung moment na alam mong mag hihintay na naman kayo. Gano katagal? Walang nakaka-alam.
Anong part yung pinaka-masakit? Edi yung nakikita mo siyang naglalakad na papalayo sayo. Letsugas men, gusto mo siyang habulin, yakapin at wag ng pakawalan. Sana parang sa computer shop na lang yan na pwede mong isigaw sa nag babantay, "Kuya/Ate, pa-extend, 30 minutes!"
Wala na siya. At dun mo na ulit siya namimiss.
Pag pasok mo sa bahay, wala na siya. Pag upo mo sa sofa, wala na siya. Masaya ka sa nangyari kanina pero malungkot ka na ngayon kasi wala na siya. Posible pala yun, yung dalawang magka-ibang emosyon e maramdaman mo ng sabay.
Sa pag tulog e siya parin ang nasa isip mo habang suot-suot mo ang jersey na bigay niya sayo kanina. :)
Ang saklap nung wala na kayong magawa kundi mag palitan ng 'I miss you' messages sa pamamagitan ng text. Posible palang mamiss ang isang tao kahit kaka-alis lang niya. Wallpaper mo e kayong dalawa. Mas nakakamiss pala noh?
Pag mag isa ka, paulit-ulit mong iisipin ang mga nangyari. At dun na mag sisink in sayo na ang mga nakaw na sandali ay ang pinaka-masaya.
Kung pwede lang sanang maibalik ang oras sa panahong magkayakap kayo edi ginawa mo na. Kaso hindi e.
Sa pag lipas ng mga araw marerealize mong nilalayo ka neto sa huling pagkakataong magkasama kayo pero dinadala ka naman nito papalapit sa susunod na pagkakataong iyon. Sarap noh?
No comments:
Post a Comment