Naniniwala akong iba ang nagagawa ng pag-ibig. Nakakatanga to. At meron kang dalawang choices, ang maki-sabay at maging tanga din o gamitin ang utak. Tandaan, ang love nakakatanga at nangangain ng tanga.
Ang dami-dami kong kakilalang nagpakatanga at patuloy na nagpapakatanga dahil sa pag-ibig. Ganun din naman ako dati. Hanggang ngayon, minsan nga lang. Para sakin? Di naman kailangang palaging ganun. Minsan, okay din yun pero madalas dapat marunong tayo mag-isip. Kaya nga sa ulo nilagay ang utak e para mag-isip muna, bago puso.
"It's better to be right than to be happy", halos 3 taon na yan lang ang iniisip ko kaya halos tatlong taon din ako di nagka-boyfriend. Wala naman akong pinagsisisihan kasi madami akong natutunan. At naging masaya naman ako. Akala ko tuluy-tuloy na ang pagiging NBSB ko o No Boyfriend Since Break-up. Kaso biglang nag krus ang landas namin ng lalaking ito at dun na nabago ang nararamdaman ko.
Alam ko mismo sa sarili ko na hindi pa panahon para dito pero hello, inlab na inlab ako. Pero hindi siya ganun sakin. Inlab siya sa iba. SAKLAP.
Pero naging mag bestfriends naman kami kahit ganon. Kaso ang problema, pag nag o-open up siya sakin tungkol sa girl na mahal niya, nadudurog ang puso ko.
Hinayaan ko na lang. Mahal ko siya at kung san siya masaya, dun din ako. PLASTIK! Aminin mo, kung mahal mo ang isang tao, oo gusto mo masaya siya, pero deep inside sinasabi mo sa sarili mo na sana sayo siya maging masaya.
Minsan na akong nag mahal at nabigo (ang drama). Kaya naging maingat ako pag dating diyan. Oo, di maiiwasang mainlove, mahulog ang loob lalo na sa panahon natin na uso ang PBB Teens. Pero ni minsan di ko inisip na mag boyfriend kahit inlove ako at inlove din sakin yung taong yun. Pinanindigan ko yun at masaya ako.
E kaso nga, dumating siya. Nagbago lahat. Siya lang yung lalakeng ginusto kong sumira ng paninindigan kong wag muna mag boyfriend. Siya lang.
Dumating na ang araw na pinaka-hihintay ko. Umamin siyang mahal niya daw ako. Walang pagsidlan ang tuwa ko na ang reply ko pa nung sinabi niya mahal niya ako e "SHIT, MAHAL MO KO?! /insert kilig face here/"
Nakakatuwang isipin na sa darating na Huwebes ay anim na buwan na kami. Nakilala na siya ng pamilya ko at okay naman sila sa kanya.
Nakakatuwa kasi hindi lang siya boyfriend kundi bestfriend na din. Kahit ano nasasabi ko sa kanya. Kahit ang ingay-ingay ko okay lang sa kanya. Pero pag kailangan niya ng makikinig sa kanya, handa naman ako palagi at ganun din siya sa akin.
Kaya kong maging totoo sa sarili ko pag kasama ko siya. The best part. :)
Nakakatuwa yung pag magkasama kayo di kayo puro pasweet, may asaran, kulitan, tawanan at higit sa lahat may pagkakaibigan.
Alam ko, maaga pa at masyado pa kaming bata para sabihing kami na forever. Pero ano bang masama na pangarapin na ganun nga ang mangyari? Di pa tapos ang kwento, mahaba pa to. Pero isa lang ang sigurado ko, masaya man o malungkot o ano pa yan, gusto kong maranasan lahat kasama siya.
Advance happy monthsary Rafaela. :) Mahal kita. :)
PS. Mas pogi ako sayo. :)





No comments:
Post a Comment