June na! Letsugas! Tapos na ang maliligayang araw ng tulad kong batugan. Hindi na uubra yung sistemang tulog sa umaga, gising na gising sa gabe. Sistemang kwago ba. Kailangan na naman mag sipag. Wala na yung buong araw nood lang ng TV, computer, text, buhay prinsesa/prinsipe. Sa pasukan, lahat tayo alila na naman.
Alila ng mga assignments, quizzes, surprise quizzes (buti kami wala neto, yes!), surprise recitations, defenses, term papers, movie/book reviews, investigative reports, essay writing, quiz bees (na sa katunayan ay ISA sa mga pangyayaring ipinagpapasalamat ng mga estudyanteng kagaya ko na hindi sumasali sa ganun, kasi walang klase pag may quiz bees!) at higit sa lahat, uulilain na naman tayo ng KATAMARAN! Hindi yan mawawala sa eksena. Araw-araw na naman niya tayong pipigilang bumangon ng maaga at kung tutuusin e parang tinutulungan pa siya ni pareng Antok.
Makikita mo na naman yung kinaiinisan mong kaklase/schoolmate, yung isang grupo ng mga magkakaibigang parang walang bukas kung humalakhak (kami po ito), yung mga bully mong classmates, yung mga feeling siga/gwapo, yung mga feeling magaganda at kung umasta kala lahat may gusto sa kanya, yung terror niyong teacher, yung batang parang walang kaibigan, yung batang parang lahat ng tao sa school niyo e kaibigan, yung batang halatang bagong gising at kinaladkad ng nanay niya papuntang school, yung mga love teams ng school, yung mga ate't kuya sa canteen, mga custodians, mga driver at monitor ng services, yung nurse, yung guards at higit sa lahat, /drumroll/ si CRUSH (okay wala akong crush sa school. Maliban kung andun yung batang si Michael Shane)! Si crush na nagsisilbing inspirasyon, at yung nagsisilbing isang rason para pumasok. Yun bang makita mo lang siya, okay na.
Pero hello, may tatalo pa ba sa BARKADA?! Ako, kaya lang talaga ako pumapasok kahit sobrang nakakatamad e kasi nanghihinayang ako sa isang araw na di ko makakasama yung barkada ko. Sayang yung isang araw na di nila ako uubusan ng baon, di pag-aagawan yung baon kong Milo (oo, nag babaon ako niyan), pero mas sayang yung isang araw na di ko sila makakasamang tumawa ng buong puso't diwa, lakas, at ng buong pagkatao.
"Mag-aaral ako ng mabuti sa taong to!" Apat na taon ko ng sinasabi to sa sarili ko at tatlong taon ko na ding binibigo ang sarili ko. Tatlo pa lang kasi di pa ako nag-aaral ngayon, wag excited. Pwede?!
Gustung-gusto ko talagang mag-aral ng mabuti kaso ang daming distractions. Di ako maka-concentrate. Pero iba this year. Gusto kong makakuha ulit ng matataas na grado (kaso ang nangyare, sa mata ko nakuha yang mataas na grado na yan, letsugas!)
Mas masarap kaya yung nag hirap ka, binigay mo yung puso't kaluluwa mo tapos ang ganda ng balik sayo kesa yung petiks ka lang, pakasaya ka, young, wild and free ang drama tapos young, wild and free din yung grades mo.
"Education is the key to success." Tumpak! Kasi dapat may pinag-aralan ka para mabuhay ka. Kasi di lahat ng tao e tatamaan ng swerte tulad ni Manny Pacquiao, o ni Manny Villar. :)
Ang hindi ko maintindihan e sa bansang katulad ng Pilipinas, kung saan, aminin na natin, madaming mahihirap na nangangailangan ng success na ito, e napaka-mahal ng magandang edukasyon. Kung sino pa ang mahirap na kailangang umahon e sila pa itong hindi nakikinabang sa tagumpay na maibibigay ng magandang edukasyon.
Hindi ba natin pansin? Tayong nakaluluwag sa buhay, nasatin na yung comfort ika nga, ng pamumuhay. Pero tayo tong puro reklamo, kesho ganito, kesha ganyan, na di natin narerealize na ang daming batang gugustuhing makipagpalit satin.
Ang daming batang dumadaan sa maputik na daan, sa ilog para maka-pasok sa school pero wala silang reklamo.
Nalulungkot ako na kung sino pa yung nabiyayaan ng magandang buhay at oportunidad na makapag-aral, yun pa yung ayaw, tine-take for granted yung oportunidad na yun. Pero kung sino pa yung may gusto, siya pa yung napagkaitan ng tadhana.
Bakit kaya? Siguro kasi gusto ng Diyos makita kung sinu-sino yung magiging thankful at gagamitin yung biyaya Niya. At kung sino yung mag pupursigi na mapabuti yung buhay nila sa kabila ng kahirapan.
Bago ka mag reklamo, isipin mo yung mga mas nahihirapan pero walang reklamo. Bago ka mainis sa hirap ng lessons o ng exams, isipin mo yung mga gustong maranasan yung nararanasan mo.
Ba't di mo muna subukang magpasalamat bago ka mag reklamo?
Syit! Tuloy tuloy ang mga salita! Dikit dikit! Ikaw si Bob Ong, I can feel it, man! Pero sang-ayon ako sa lahat. Parang kilala ko na nga kung sinu-sino yung mga taong nabanggit mo e! Maliban nalang kung nandun ako!
ReplyDeleteNever thought there was this human verification, so I didn't get ta publish a comment!
ReplyDeleteP.S. I have a new entry! :P
You're not human, stop lying to the entire cyber world.
ReplyDeleteAyaw kasi ng spaces e. Hahaha! Feeler, wala akong binabanggit na kilala niyo diyan maliban kay Michael Shane at sa barkada. =))